1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Mga empleyado ng gobyerno babalik sa opisina 3 araw isang linggo sa taglagas

Sinabi ng major public sector unions na ang balita ay dumating na walang babala o konsultasyon

Mga lalaki naglalakad sa kalsada sa downtown Ottawa.

Ang mga empleyado ng pederal na gobyerno ay maaaring bumalik sa opisina tatlong araw sa isang linggo pagsapit ng Setyembre, kinumpirma ng isang federal government source sa Radio-Canada.

Litrato: CBC / Stu Mills

RCI

Inaasahan ng pederal na gobyerno ng Canada ang mga public servant na bumalik sa opisina tatlong araw isang linggo simula taglagas ngayong taon.

Kinumpirma ito ng federal government source na hindi awtorisadong magsalita sa publiko ukol sa bagay na ito sa Radio-Canada na unang ibinalita sa Le Droit, isang pahayagan sa wikang Pranses, noong Lunes.

Ito ay isang pangunahing pagbabago sa dalawang beses isang linggo na hybrid model na nagtulak sa may 155,000 na miyembro ng Public Service Alliance of Canada (PSAC) na mag-walk out sa trabaho noong nakalipas na taon sa tinatawag ng unyon na isang turning point para sa karapatan ng mga manggagawa.

Ngayon, ikaw ay magiging protektado mula sa arbitrary decisions tungkol sa remote work ng gobyerno, sinabi ng Public Service Alliance of Canada sa isang pahayag noong nakaraang Hunyo.

Hindi mag-speculate ang Professional Institute of the Public Service of Canada (PISPC) o Public Service Alliance of Canada kung ano ang magiging reaksyon ng mga miyembro ng dalawang higanteng unyon sa balitang ito.

Pagkalipas ng sampung buwan, sinabi ng Public Service Alliance of Canada at Professional Institute of the Public Service of Canada na sila ay tinamaan nang hindi handa.

Talagang nasorpresa kami, ani Stéphanie Montreuil, ang pinuno ng public affairs para sa Professional Institute of the Public Service of Canada. Dumating ito na walang babala at walang konsultasyon sa aming parte.

Sinabi ni Montreuil na ang ilang miyembro ay nagpupunta sa opisina para lamang lumahok sa virtual meetings.

"Isinusulong namin ang presence with purpose," aniya.

Ang 2024 federal budget nagtakda ng 10-taong target para bawasan ang office portfolio ng Public Services and Procurement Canada ng kalahati.

Batay sa inaasahang pagbabawas sa federal government office space at walang matatag na plano para sa pagwawakas ng hybrid working sa hinaharap, maraming public servants ang kinukuwestiyon hindi lang ang pagbabalik sa opisina, kundi saan at paano ito magaganap.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Stu Mills (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita